.

.

2010 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections

 

 

.May pa-liga na naman pala ng basketball

.sa barangay.

 
DOWNLOAD the flyer HERE
Salamat sa Sangguniang Kabataan.  (Anak nga pala ni meyor ang SK chairman, kaya lagi daw may pondo sa palaro).

Hmmm. Ang sabi sa Local Government Code, responsibilidad ng SK ang maglunsad ng mga programang mag-aangat sa social, political, economic, cultural, intellectual, moral, spiritual, at physical na development ng mga kabataan sa barangay. Hindi rin dapat gamitin ang SK at ang barangay upang palawigin ang impluwensiya ng mga nakaupo sa puwesto.

Pormal na inilunsad ang SK noong 1991 upang mag-train ng future leaders, magkaroon ng boses ang kabataan sa konseho, at upang may
mapagbalingan ang mga kabataan ng kanilang energy para sa mga makabayang proyekto.

Hanggang basketball court na lang ba at pa-liga ang maibibigay na serbisyo sa 'yo ng napili mong SK chairman at mga kagawad? Ito lang ba talaga ang gusto mo at ang sa tingin mo'y nararapat para sa iyo??
.
PAG-ISIPANG MABUTI.
Isang paalaala mula sa NAMFREL para sa
2010 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections 
 
MGA DAPAT TANDAAN: 
1. Ang botohan at bilangan para sa 2010 Barangay at SK Election sa Oktubre 25 ay MANUAL. Ang ibig sabihin po'y isusulat isa-isa sa balota ang mga pangalan ng nais iboto.
2. Alamin kung saan ang inyong presinto bago pa man dumating ang araw ng eleksyon.
3. Bumoto ng maaga. Magsisimula ang botohan ng alas-7 ng umaga, at matatapos ng alas-3 ng hapon. Inaasahang marami ang botante sa bawat presinto dahil sa clustering ng precincts at sa pagdagdag ng SK voters. Pumila ng maayos.
4. Isulat ng malinaw ang kumpleto at totoong pangalan ng mga napiling kandidato. Iwasang magkamali o magbura, at ingatang huwag magkarumi ang balota.
5. Panatilihing sikreto ang pagboto. Gawin ito nang mag-isa, at huwag ipakita ang balota sa katabi.
6. Pagkaboto, huwag subukang tanggalin ang indelible ink sa daliri. Tanda ito ng pagiging isang mabuting mamamayan.
7. Bantayan ang bilangan. Kung maari ay mag-volunteer na election watcher. Magdala ng flashlight o kandila kung sakaling mag-brownout. Magmanman sa paligid. Huwag hayaang guluhin ninuman ang eleksyon dahil ang pagboto ay sagrado. 
 
Dayaan? Iregularidad? Ibigay sa amin ang detalye sa www.namfrel.org.ph.  Puwedeng mag-attach ng mga litrato, video, at dokumentong pagpapatunay.  
 
<<< Back to Media & Voter Advocacy page