2010 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections

 

.Si Kapitan.

 
DOWNLOAD the flyer HERE
.
Ibinoto mo sya nung nakaraang eleksyon dahil siya'y ninong ng anak mo at malayong pinsan ng iyong asawa. Marahil pinangakuan ka rin niya ng trabaho dahil malapit daw siya kay meyor. Laking pasalamat niya nung siya'y nanalo at nagpainom pa nga sa barkada dahil sa
wakas mayroon na siyang pagkakakitaan dahil wala naman siyang ibang trabaho. Madaling lapitan si kumpare, lalo na kung may kapalit na pabor. Kung may kailangan ka, i-text mo lang ang kanyang barangay staff at siguradong makakarating dahil sila'y magkakamag-anak.

Pero naayos kaya ang barangay road? May nagpa-patrol ba sa gabi? Kumusta naman ang drug situation sa inyong lugar? Malinis ba ang
kapaligiran? Siya na ba talaga ang pinaka-karapat-dapat?
.
PAG-ISIPANG MABUTI.
Isang paalaala mula sa NAMFREL para sa
2010 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections 
 
MGA DAPAT TANDAAN: 
1. Ang botohan at bilangan para sa 2010 Barangay at SK Election sa Oktubre 25 ay MANUAL. Ang ibig sabihin po'y isusulat isa-isa sa balota ang mga pangalan ng nais iboto.
2. Alamin kung saan ang inyong presinto bago pa man dumating ang araw ng eleksyon.
3. Bumoto ng maaga. Magsisimula ang botohan ng alas-7 ng umaga, at matatapos ng alas-3 ng hapon. Inaasahang marami ang botante sa bawat presinto dahil sa clustering ng precincts at sa pagdagdag ng SK voters. Pumila ng maayos.
4. Isulat ng malinaw ang kumpleto at totoong pangalan ng mga napiling kandidato. Iwasang magkamali o magbura, at ingatang huwag magkarumi ang balota.
5. Panatilihing sikreto ang pagboto. Gawin ito nang mag-isa, at huwag ipakita ang balota sa katabi.
6. Pagkaboto, huwag subukang tanggalin ang indelible ink sa daliri. Tanda ito ng pagiging isang mabuting mamamayan.
7. Bantayan ang bilangan. Kung maari ay mag-volunteer na election watcher. Magdala ng flashlight o kandila kung sakaling mag-brownout. Magmanman sa paligid. Huwag hayaang guluhin ninuman ang eleksyon dahil ang pagboto ay sagrado. 
 
Dayaan? Iregularidad? Ibigay sa amin ang detalye sa www.namfrel.org.ph.  Puwedeng mag-attach ng mga litrato, video, at dokumentong pagpapatunay.  
 
<<< Back to Media & Voter Advocacy page