|
|
2010 Barangay and
Sangguniang Kabataan (SK) Elections
.Money, money, money.
|
|
|
|
|
|
Sinong may sabing walang pera ang barangay?
Taun-taon, 35% mula sa 40% ng kinikita ng gobyerno mula sa paggamit ng national
wealth ay napupunta sa mga barangay, bukod pa sa 20% na nakukuha mula sa
koleksyon ng buwis (Internal Revenue Allotment). 30% rin ng nakokolektang
community tax sa isang barangay ay napupunta sa pondo ng barangay, pati na
25-30% ng amilyar (real property tax). Kumikita rin ang isang barangay mula sa
mga tindahan at iba pang negosyo sa barangay (gross receipts, entertainment
taxes). Hindi pa kasama dito ang kinikita ng isang barangay mula mga billboards
at karatula, pati ang mula sa mga pino-proseso nitong mga dokumento tulad ng
business permits at barangay clearance.
Ang ibig sabihin, hindi pobre ang inyong barangay. Walang dahilan upang ikaw ay
mamuhay sa isang marumi at magulong kapaligiran, na may kakulangan sa mga basic
services, at salat sa imprastraktura tulad ng maayos na kalsada.
Lagi bang idinadahilan ng iyong barangay officials na wala kayong pera?
Saan napupunta ang pondo ng barangay?
.
PAG-ISIPANG MABUTI. |
Isang paalaala mula sa NAMFREL para sa
2010 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections |
|
|
MGA DAPAT TANDAAN: |
1. |
Ang botohan at bilangan para sa 2010
Barangay at SK Election sa Oktubre 25 ay MANUAL. Ang ibig sabihin po'y
isusulat isa-isa sa balota ang mga pangalan ng nais iboto. |
2. |
Alamin kung saan ang inyong presinto bago
pa man dumating ang araw ng eleksyon. |
3. |
Bumoto ng maaga. Magsisimula ang botohan
ng alas-7 ng umaga, at matatapos ng alas-3 ng hapon. Inaasahang marami
ang botante sa bawat presinto dahil sa clustering ng precincts at sa
pagdagdag ng SK voters. Pumila ng maayos. |
4. |
Isulat ng malinaw ang kumpleto at totoong
pangalan ng mga napiling kandidato. Iwasang magkamali o magbura, at
ingatang huwag magkarumi ang balota. |
5. |
Panatilihing sikreto ang pagboto. Gawin
ito nang mag-isa, at huwag ipakita ang balota sa katabi. |
6. |
Pagkaboto, huwag subukang tanggalin ang
indelible ink sa daliri. Tanda ito ng pagiging isang mabuting mamamayan. |
7. |
Bantayan ang bilangan. Kung maari ay
mag-volunteer na election watcher. Magdala ng flashlight o kandila kung
sakaling mag-brownout. Magmanman sa paligid. Huwag hayaang guluhin
ninuman ang eleksyon dahil ang pagboto ay sagrado. |
|
Dayaan? Iregularidad? Ibigay sa amin ang detalye sa
www.namfrel.org.ph. Puwedeng
mag-attach ng mga litrato, video, at dokumentong pagpapatunay. |
|
<<< Back to Media & Voter Advocacy page |
. |
|
|
|
|
|
|
|
|