|
2010 Barangay and
Sangguniang Kabataan (SK) Elections
.Nagpapagamit ba sa pulitiko ang iyong
barangay at SK
councils?
|
|
|
|
|
|
Ibang klase rin ang ilang pulitiko. Para manalo sa
mga darating pang eleksyon, "nag-aalaga" diumano sila ng mga kapitan, kagawad,
opisyales ng barangay, at pati raw mga opisyales ng Sangguniang Kabataan (?!?).
Binibigyan ng pabor, pondo, personal na allowance, sasakyan, atbp. ang inyong
mga leader nang sa gayo'y makuha ang suporta nila kung kailangan na.
Ito'y maliwanag na pag-abuso sa posisyon. Hindi ito dapat payagang mangyari ng
barangay dahil maliwanag ring ipinahihiwatig ng Sec. 38 ng Omnibus Election Code
na walang kandidato para sa konseho ng barangay "shall represent or allow
himself to be represented as a candidate of any political party or any other
organization." Ang tanging responsibilidad nila ay ang pagsilbihan ang kanilang
komunidad -- na kinabibilangan mo.
May kahati ka ba sa atensyon ng iyong barangay? May sariling desisyon ba ang mga
napili mong iboto?
.
PAG-ISIPANG MABUTI. |
Isang paalaala mula sa NAMFREL para sa
2010 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections |
|
|
MGA DAPAT TANDAAN: |
1. |
Ang botohan at bilangan para sa 2010
Barangay at SK Election sa Oktubre 25 ay MANUAL. Ang ibig sabihin po'y
isusulat isa-isa sa balota ang mga pangalan ng nais iboto. |
2. |
Alamin kung saan ang inyong presinto bago
pa man dumating ang araw ng eleksyon. |
3. |
Bumoto ng maaga. Magsisimula ang botohan
ng alas-7 ng umaga, at matatapos ng alas-3 ng hapon. Inaasahang marami
ang botante sa bawat presinto dahil sa clustering ng precincts at sa
pagdagdag ng SK voters. Pumila ng maayos. |
4. |
Isulat ng malinaw ang kumpleto at totoong
pangalan ng mga napiling kandidato. Iwasang magkamali o magbura, at
ingatang huwag magkarumi ang balota. |
5. |
Panatilihing sikreto ang pagboto. Gawin
ito nang mag-isa, at huwag ipakita ang balota sa katabi. |
6. |
Pagkaboto, huwag subukang tanggalin ang
indelible ink sa daliri. Tanda ito ng pagiging isang mabuting mamamayan. |
7. |
Bantayan ang bilangan. Kung maari ay
mag-volunteer na election watcher. Magdala ng flashlight o kandila kung
sakaling mag-brownout. Magmanman sa paligid. Huwag hayaang guluhin
ninuman ang eleksyon dahil ang pagboto ay sagrado. |
|
Dayaan? Iregularidad? Ibigay sa amin ang detalye sa
www.namfrel.org.ph. Puwedeng
mag-attach ng mga litrato, video, at dokumentong pagpapatunay. |
. |
<<< Back to Media & Voter Advocacy page |
|
|
|